JDV tagilid!

Sinuportahan ni Sen. Juan Ponce Enrile ang rek­lamong “breach of ethics” laban kay House Speaker Jose de Venecia matapos ilantad ng Senador ang mga ebidensyang magpa­patunay na nag-lobby ang Speaker para sa negos­yanteng anak na si Joey de Venecia III para sa ap­proval ng National Econo­mic and Development Au­thority (NEDA) sa national broad­band network project na sa halip na makuha ay na­punta sa ZTE Corp. ng China.

Inilantad ni Enrile sa pagdinig ng Senado sa $329 milyong NBN-ZTE project, ang sulat mula kay Ernesto Garcia, managing director ng Amsterdam Hol­dings Inc. (AHI) na kina­ka­tawan ng batang de Ve­necia na nagsasabing ina­tasan siya ng tangga­pan ng Speaker of the House na iharap ang panu­kala sa tanggapan ni DOTC Sec­retary Leandro Mendoza. Naunang nag­harap si Ca­marines Sur Rep. Luis Villafuerte ng “breach of ethics” com­plaint laban kay de Venecia kaugnay din ng naturang usapin.

Idinepensa naman ni Speaker de Venecia ang sarili at sinabing wala siyang nilalabag sa anti-graft law dahil ang kanyang anak na si Joey ay nasa legal na gulang na nang maging chief operating officer ng Multi-Media Telephony, isang sangay ng AHI. Sa ilalim ng batas, maaari raw siyang maka­pamagitan para sa isang anak na nasa wastong gulang.

Ipinakita rin ni Enrile ang kopya ng sulat ni Men­doza na may petsang Dis­yembre 4 na naka-address kay NEDA director gen. Romulo Neri na nag-e­endorso sa proposal ng AHI. Isinasaad nito na “the speaker’s office had ins­tructed me to forward the attached material to your office, ASAP.”

Ipinagdiinan ni Enrile na maliwanag na ito’y isang proyekto ni Speaker de Venecia.

Magugunita na ibinun­yag ni Neri na tinangka siyang suhulan ni Comelec Chairman Benjamin Aba­los ng halagang P200 mil­yon para sa approval ng pro­yekto ng Chinese cor­poration na ZTE pero pina­yuhan umano ang una ng Pangulo na huwag tang­gapin ang suhol at gawin ang tama.

Sa kabila nito, hindi na­piga si Neri sa pagtatanong ng mga Senador para direktang idawit ang Pa­ngulo at First Gentleman.

Show comments