JDV tagilid!
Sinuportahan ni Sen. Juan Ponce Enrile ang reklamong “breach of ethics” laban kay House Speaker Jose de Venecia matapos ilantad ng Senador ang mga ebidensyang magpapatunay na nag-lobby ang Speaker para sa negosyanteng anak na si Joey de Venecia III para sa approval ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa national broadband network project na sa halip na makuha ay napunta sa ZTE Corp. ng China.
Inilantad ni Enrile sa pagdinig ng Senado sa $329 milyong NBN-ZTE project, ang sulat mula kay Ernesto Garcia, managing director ng Amsterdam Holdings Inc. (AHI) na kinakatawan ng batang de Venecia na nagsasabing inatasan siya ng tanggapan ng Speaker of the House na iharap ang panukala sa tanggapan ni DOTC Secretary Leandro Mendoza. Naunang nagharap si Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte ng “breach of ethics” complaint laban kay de Venecia kaugnay din ng naturang usapin.
Idinepensa naman ni Speaker de Venecia ang sarili at sinabing wala siyang nilalabag sa anti-graft law dahil ang kanyang anak na si Joey ay nasa legal na gulang na nang maging chief operating officer ng Multi-Media Telephony, isang sangay ng AHI. Sa ilalim ng batas, maaari raw siyang makapamagitan para sa isang anak na nasa wastong gulang.
Ipinakita rin ni Enrile ang kopya ng sulat ni
Ipinagdiinan ni Enrile na maliwanag na ito’y isang proyekto ni Speaker de Venecia.
Magugunita na ibinunyag ni Neri na tinangka siyang suhulan ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ng halagang P200 milyon para sa approval ng proyekto ng Chinese corporation na ZTE pero pinayuhan umano ang una ng Pangulo na huwag tanggapin ang suhol at gawin ang tama.
Sa kabila nito, hindi napiga si Neri sa pagtatanong ng mga Senador para direktang idawit ang Pangulo at First Gentleman.
- Latest
- Trending