Dumarami ang mas pumapabor sa cremation sa halip na paglilibing ng mga patay na nakasanayan sa Pilipinas.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), mas maraming negosyante ang kumikita sa cremation dahil nagpapagawa ang mga ito ng gusali na para lamang sa cremation at columbaria.
Sinabi naman ni Fr. Genaro Diwa ng Minister of the Archdiocese of Manila’s Liturgical Affairs, cremation man o paglilibing ay maituturing na pareho lamang hangga’t nirerespeto ang mga namatay at binibigyan pa rin ng taos-pusong pagmamahal.
Pinaalalahanan din ni Diwa ang mga Obispo na dapat pa ring panatilihin ang tradisyunal na paglilibing at hindi naman kailangan pang ipilit ang cremation. Aniya, kadalasang dahilan ng cremation ay ang kalinisan at ang gastos.
Kailangan na ang abo ng sinumang nai-cremate ay dapat na ilagay sa isang malinis na lalagyan at sa lugar na hindi magagalaw tulad ng mausoleum o columbarium. (Doris Franche)