^

Bansa

Cremation mas ‘in’ ngayon

-

Dumarami ang mas pumapabor sa cremation sa halip na paglilibing ng mga patay na nakasanayan sa Pilipinas.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), mas maraming negosyante ang kumikita sa cremation dahil nagpapagawa ang mga ito ng gusali na para lamang sa cremation at columbaria.

Sinabi naman ni Fr. Genaro Diwa ng Minister of the Archdiocese of Manila’s Liturgical Affairs, cremation man o paglilibing ay maituturing na pareho lamang hangga’t nirerespeto ang mga namatay at binibigyan pa rin ng taos-pusong pagmamahal.

Pinaalalahanan din ni Diwa ang mga Obispo na dapat pa ring panatilihin ang  tradisyunal na paglilibing at hindi naman kailangan pang ipilit ang  cremation. Aniya, kadalasang dahilan ng cremation ay ang kalinisan at ang  gastos.

Kailangan na ang abo ng sinumang nai-cremate ay dapat na ilagay sa isang malinis na lalagyan at sa lugar na hindi magagalaw tulad ng mausoleum o  columbarium. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CREMATION

DORIS FRANCHE

GENARO DIWA

LITURGICAL AFFAIRS

MINISTER OF THE ARCHDIOCESE OF MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with