China inaamo ng Pinas sa NBN deal
Muli umanong sinusuyo ng pamahalaan ang Chinese government matapos na pansamantalang isus pinde ang maanomalyang kontrata para sa National Broadband Network (NBN) project. Sinabi ni Justice Acting secretary Agnes Devanadera, nagtala na ang Pangulong Arroyo ng mga opisyal ng gobyerno na makikipag-usap sa ZTE Corporation upang ipaliwanag kung bakit kailangang suspendihin ang kontrata.
Ang nasabing hak bang umano ay upang hindi magtampo ang Chinese government sa Pilipinas at hindi maapektuhan ang ugnayan ng bansa sa mga Chinese investors.
Iginiit ni Devanadera na kahit na wala siyang nakikitang anomalya sa kontrata tulad ng igi nigiit ng iba, mas mabuti umanong suspendihin ang implementasyon nito habang nakabinbin pa ang kaso sa Korte Suprema.
Ipinapaubaya na la mang umano ng Malacañang sa Korte ang pagtukoy kung maituturing bang balido o hindi ang nasabing proyekto.
Bukod dito, makakaiwas na rin umano sa pagdududa ang desisyon ni Pangulong Arroyo na suspendihin na lang muna ang kontrata lalo pa at inuulan ito ng batikos.
Nilinaw pa ni Devanadera na sa ngayon ay nakikipag-usap na ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga kinatawan ng ZTE upang ipaliwanag ang mga pangyayari.
Maghahain na rin umano sila ng komento sa Korte bilang tugon sa magkakahiwalay na petisyon ni Iloilo Gov. Rolex Suplico at ng Amsterdam Holdings Inc. na kapwa kumukuwestiyon sa pagiging balido ng NBN contract. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending