Pinoy seamen binigyang-pugay ng AMOSUP sa Maritime Week

Binigyang-pugay ng Associated Marine Officers and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) ang libong Pinoy seamen sa pamamagitan ng isang selebrasyon kaugnay ng Maritime Week na ipinag­ diriwang sa bansa.

Pinangunahan ni Union President Dr. Gregorio S. Oca ang okasyon na dinaluhan ng mga cadets ng AMOSUP-owned Maritime Academy of Asia and the Pacific-Kamaya Point sa Mariveles, Bataan.

Nagkasundo ang mga organisasyong sumusuporta sa Union na higit pang mapagbuti ang kalagayan ng mga seamen at pamilya nito.

“Through the years the Union has done so much for seafarers, particularly its members through the efforts of Captain Oca,” pahayag ni Vice Admiral Eduardo Ma. Santos, pangulo ng Maritime Academy of Asia and the Pacific-Kamaya Point.

Show comments