‘Good Morning Kuya!’ hitik sa libreng serbisyo publiko
Hitik sa serbisyo publiko ang pinakabagong programa ng UNTV Channel 37 na “Good Morning Kuya (GMK)” na ngayon ay nasa ikatlong linggo na ng pagsasahimpapawid.
Mapapanood mula Lunes hanggang Biyer-nes, alas-4:45 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, ang GMK ang nagpabago ng depinis yon ng bawat isa ukol sa isang maaasahan at makabuluhang morning show.
Sa pangunguna ni Mr. Public Service, Kuya Daniel Razon, alay ng GMK sa ating mga kababayan ang mga libreng serbisyo na maaaring pakinabangan ng mga mamamayan
Araw-araw, ang “Clinic ni Kuya ay palaging una sa pagbibigay ng libreng konsultasyon, libreng laboratory tests, libreng gamot at libreng minor surgical operation, sapagkat ito ay bukas na alas kwatro y medya pa lamang ng umaga, bago pa man magsimula ang GMK.
Ang lahat ng mga manggagamot sa iba’t ibang larangan ng medisina ay inaaanyayahang makilahok sa makabuluhang gawaing ito upang matugunan ang bawat pangangailangan ng mamamayan.
- Latest
- Trending