^

Bansa

Revillame abswelto sa Ultra stampede

-

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal laban sa Wowowee host na si Willie Revillame kaugnay sa naganap na stampede sa ULTRA noong Pebrero 4, 2006 kung saan na­matay ang 70 katao at nasugatan ang mahigit 600.

Sa resolution ng DoJ panel of prosecutors na pinamumunuan ni Senior State Prosecutor Leo Dacera, wala umanong mabigat na ebidensiya upang maisama si Re­villame sa naturang kaso.

Napatunayan uma­nong re-tape na lamang ang mga ipinalalabas sa television na nagpapa­kita ng pag-iimbita ni Re­villame sa taumbayan na magtungo sa Ultra kahit pa umaapaw na ito sa tao.

 Ipinatutuloy naman ng DoJ ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide laban sa 14 iba pang respondents dito kasama na ang executive vice president ng ABS-CBN na si Charo Santos Concio.

 Una ng sinabi ng pro­secution na mayroong mabigat na ebidensiya na magpapatunay na naging pabaya ang mga organizers ng Wowowee.

Hindi umano tiniyak ng mga organizers nito ang seguridad ng Phil­sport Arena kahit pa na­kita ng mga ito na pu­nong-puno na ang nabanggit na lugar.  (Grace dela Cruz)

CHARO SANTOS CONCIO

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

IBINASURA

SENIOR STATE PROSECUTOR LEO DACERA

SHY

WILLIE REVILLAME

WOWOWEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with