^

Bansa

Erap dumalaw kay Doña Mary

-

Kahit na masama ang pakiramdam ay nagtuloy pa rin sa pag­dalaw sa kanyang inang maysakit si dating Pa­ngulong Joseph Estrada kahapon ng umaga sa San Juan.

Alas-11 ng umaga nang dumating si Erap sa San Juan Medical Center (SJMC) mula sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal ka­sama ang kanyang escort mula sa Police Security and Protection Office, Eastern Police District at San Juan City Police.

Dalawang linggo ng naka-confine sa ospital si Doña Mary Ejercito, 102, dahil sa mga sakit nitong abdominal aortic aneurysm, pneumonia at urinary tract infection bukod pa sa dinaranas na hypertension.

Matatandaang pina­ya­gan ng Sandigan­bayan ang dating Pa­ngulo na makadalaw sa ina mula alas-7 ng uma­ga hang­gang alas-5 ng hapon noong Huwebes subalit ipinagpaliban ito dahil sa masakit ang tuhod nito at may trang­kaso.

Kahapon ay itinuloy na rin ni Erap ang biyahe kahit masama pa ang pakiramdam dahil sa pag-aalala sa kalagayan ng ina.

Napaulat na tatlong oras bago ang biyahe ni Estrada ay nagreklamo ito ng pananakit ng katawan.

Sa panayam naman kay Sen. Jinggoy Es­trada, sinabi nito na hindi pa maayos ang pakiramdam ng kan­yang ama subalit dahil sa lumalalang kala­gayan ni Doña Mary ay pinilit nito ang katawan para maka­punta sa ospital.

Alas-5 na ng hapon nakabalik si Estrada sa kan­yang resthouse. (Ed­win Balasa)

EASTERN POLICE DISTRICT

ERAP

JINGGOY ES

JOSEPH ESTRADA

MARY EJERCITO

POLICE SECURITY AND PROTECTION OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with