^

Bansa

AFP may 3 taon

- Ni Rudy Andal -

TAGBILARAN CITY, Bohol – Binigyan kaha­pon ni Pangulong Arroyo ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP0 na durugin ang rebeldeng komunista at iba pang rebelde bago matapos ang kanyang termino sa 2010.

Sa kanyang talum­pati sa closing ceremony ng Local Peace and Security Assembly dito, sinabi ng Pangulo na dapat ay ma­tapos na ang arma­dong rebelyon sa bansa sa loob ng 3 taon at kasabay ding dapat madurog ng AFP ang mga rebelde sa Min­da­­nao gayundin ang mga teroristang nagha­hasik ng kaguluhan sa bansa.

“Hindi tayo aatras sa pakikibaka upang ma­bigyan ng kapayapaan at kaunlaran ang bayan. I have specified a time­line—three years—to end armed rebellion in the Philippines,” wika pa ng Pa­ ngulo sa harap ng mga lo­cal officials na dumalo sa peace and security assembly.

Aniya, gagamit ang gobyerno ng hard and soft power sa pakiki­digma sa insureksyon at extremism sa bansa.

Habang gumagamit ng military operations ay kasabay naman nito ang soft power sa pama­magitan ng paghahatid ng kaun­laran at social services sa mama­mayan.

ANIYA

ARMED FORCES

BINIGYAN

BOHOL

HABANG

LOCAL PEACE AND SECURITY ASSEMBLY

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with