Malapit nang magkaroon ng isang government hospital sa northern part sa Caloocan City matapos itong hilingin ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri kay Pa ngulong Arroyo na bumisita kamakailan sa lungsod.
Ani Echiverri, siniguro na sa kanya ng Pangulo na ang proyekto para sa ospital ay isasama sa P7 bilyong budget pang-kalusugan.
Sinabi ni Echiverri na ang barangay 176 o Bagong Silang ay ang pinakamalaking barangay sa bansa. Mayroon itong papulasyon na halos isang milyong residente.
Mayroon ang Caloocan na isang primary government hospital – ang President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center na nasa southern part ng lungsod.