^

Bansa

Combat pay ng mga sundalo doblehin - GMA

- Joy Cantos, Rudy Andal -

Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sun­da­long nakikidigma laban sa terorismo, inutos kaha­pon ni Pangulong Arroyo na doblehin ang tinatang­gap na allowance at combat pay ng mga sundalo na sumasabak sa giyera laban sa mga ban­didong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu at Basilan.

Sa ginanap na police-military command con­ference na pinangunahan ng Pangulo, binigyan nito ng direktiba si Defense Secertary Gilbert Teodoro na pag-aralang maitaas ang combat pay ng mga sun­dalo na kasama sa open­siba at bibigyan ng education plan ang kani­lang mga anak.

Ayon kay Major Ramon Zagala II, Deputy PIO ng AFP, sa kasalukuyan  ang hazard pay ng mga sun­dalo ay P120 at  P240 naman ang combat pay sa mga war zone areas.

Nabatid na ang isang may ranggong Sarhento ay may base pay na P18,000; Technical Sgt. P20,000; Master Sgt. P21,000; 1st Lt. P22,000; 2nd Lt., P24,000; Captain P24,000; Major  P30,000 Lt. Colonel P 33,000 at Colonel P 35,000. 

Nangako rin ang kali­him na panganga­lagaan ang mga sibilyan sa mga naturang lalawigan upang hindi madamay sa bak­bakan.

Magpapadala ang AFP ng karagdagang Engi­neering Brigades para tumu­long sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar bukod pa sa pagpapadala ng mga military doctor. 

Magugunita na 29 sun­dalo ng Philippine Marines ang napatay sa dala­wang magkakahi­walay na ma­dugong sagupaan sa Ba­silan noong Hulyo at Agosto 10.

Sa lalawigan ng Sulu ay 27 tauhan naman ng Phi­lippine Army ang nasawi sa loob ng 3 araw na bak­bakan simula Agosto 7-9.

ABU SAYYAF GROUP

AGOSTO

COLONEL P

DEFENSE SECERTARY GILBERT TEODORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with