^

Bansa

7 AFP generals binalasa

-

Sa gitna na sunud-sunod na pagkalagas ng malaking bilang ng mga sundalo sa giyera sa Sulu at Basilan, ipinatupad kahapon ng Department of National Defense ang pagbalasa sa hanay ng pitong heneral ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Defense Secretary Gilbert Teo­doro, si Lt. Gen. Alex­ander Yano, com­mander ng AFP-Southern Luzon Command ang papalit kay Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino na mag­reretiro sa Biyernes, Agosto 24.

Hahalili naman sa puwestong babakantihin ni Yano si Lt. Gen. Ro­dolfo Obaniana, commander ng Eastern Min­danao Command na su­masakop sa Central, Southern at Northern Mindanao.

Si Lt. Gen. Cardozo Luna, commander ng Central Command (Cent­com) ang papalit sa pu­westo ni Obaniana.

Itinalaga naman bilang Centcom commander si Major Gen. Victor Ibrado, pinuno ng Special Operations Command na may hurisdiksiyon sa elite forces tulad ng Phil. Army, Scout Rangers, Special Forces at counter-terrorist Light Reaction Battalion.

Samantala si Major Gen. Nelson Allaga, commandant ng Marines ang kapalit ni AFP Western Mindanao Lt. Gen. Euge­nio Cedo na magreretiro sa darating na Setyembre 9.

Si AFP-National Capital Region Command Major Gen. Ben Dolorfino ang bagong Marine commandant. (Joy Cantos)

ARMED FORCES

ARMY CHIEF LT

BEN DOLORFINO

CARDOZO LUNA

CENTRAL COMMAND

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEO

GEN

MAJOR GEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with