Mas malakas na opensiba vs Sayyaf nakakasa na

Naghahanda na ang militar sa isang mas malaki at mas malakas na opensiba laban sa Abu Sayyaf sa Basilan.

 Ayon kay Marine Brig. Gen. Juancho Sabban, deputy chief ng Western Mindanao Command at commander ng Task Force Thunder, bukod sa Marines ay gagamitin na rin ng militar ang puwersa ng Philippine Marines at ang elite units nito na  Scout Rangers, Army’s Special Forces at Navy Special Warfare Group’s SEALs (Sea-Air-Land).

Ayon kay Sabban, ma­hina na ang puwersa ng Abu Sayyaf matapos nilang mapatay ang ka­lahati nito kabilang ang limang lider ng bandido.

Sinabi ng opisya na anumang oras mula ngayon ay sisimulan ang opensiba kaya inireko­menda na ng Marines na agad ilikas ang mga residente nang hindi na madamay pa.

Show comments