^

Bansa

‘Hello Garci’ bubuhayin sa Senado

- Ni Malou Escudero -

Muling bubuhayin ng Senado ang kontro­bersiyal na “Hello Garci” scandal ma­tapos personal na ami­nin kahapon ni dating Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) T/Sgt. Vidal Doble sa isang taped interview na pina­nood sa plenaryo ng Se­nado na siya ang res­pon­sable sa pagwa-wiretap kay dating Commission on Elections Commissioner Virgilio Garcillano at iba pang personalidad ka­sama na si dating Sec. Michael Defensor.

Sa privilege speech na isinagawa ni Sen. Panfilo Lacson, iprini­sinta nito ang pahayag ni Doble sa pamamagitan ng audio visual presentation kung saan idi­netalye nito ang pi­nawang paniniktik sa mga kilalang persona­lidad gamit ang Nokia 3600.

Tinawag umano ang proyekto na “project lighthouse” kung saan ka­sama sa kanilang mga natiktikan maliban pa kay Garcillano at Pa­ngulong Gloria Arroyo sina Defensor, Sen. Gre­gorio Hona­san, Rex Cor­tez, at ma­ging mga miyem­bro ng Magdalo kasama na ang ka­salukuyang senador na si Antonio Trillanes, Capts. Rafael Faeldon, Nilo Maestrocampo at Capt. Gerardo Gambala at dating Agrarian Reform Sec. Horacio “Boy” Morales.

Ayon pa kay  Doble, hi­nati sa apat ang ka­nilang grupo at naging immediate boss nito si Capt. Fre­der­rick Re­bong.

Pinangalan din ni Doble sina Capt. Paul Somayo, Capt.Lindsay Rex Sagge, MSgt. Alex Villedo at T/Sgt Ariel Patete ng Philippine Air Force na sangkot sa paniniktik.

Inamin ni Doble na siya mismo ang nag­bigay ng kopya ng tape sa isang nagngangalang Lito San­tiago na tauhan ni dating NBI deputy director Sam­my Ong na nagbunyag sa media tungkol sa nasa­bing Hello Garci tape conversation.

Ikinuwento pa ni Doble na kasama siya ni Ong sa nasabing ‘press conference’ ngunit si­nundo uma­no siya ni Bishop Socrates Villegas sa San Carlos Seminary at tumuloy sa ‘quarters’ ni dating AFP chief of staff Gen. Efren Abu sa Camp Aguinaldo.

Napilitang hindi mag­salita noong mga oras na iyon si Doble dahil ha­wak umano nina Abu ang kan­yang asawa’t anak na noo’y ‘nakakulong’ sa basement ng quarters ni Abu.

Ang kanyang pamilya ay nasa custody ng ISAFP simula noong June 2005 hanggang April 2006, samantalang siya naman ay hawak ng ISAFP mula June 2005 hanggang sa ma-discharge noong February 2007.

Pagbibigay diin ni Doble, kaya siya nagsa­lita ngayon dahil ang naka­lipas na 2004 pres­idneital elections ay wala pa ring ipinagkaiba sa nakalipas na 2007 senatorial at local elections na punung-puno ng da­yaan.

Dahil dito, isang im­bes­tigasyon ang na­ka­umang muli sa Senado at bukod sa mga pa­ngalang nabanggit, nais ni Senador Francis Escu­dero na ipatawag din ang mga opisyales ng tele­comunication companies.

AGRARIAN REFORM SEC

ALEX VILLEDO

ANTONIO TRILLANES

CAPT

DOBLE

HELLO GARCI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with