^

Bansa

Mga taga-Smokey saludo sa SC

-

Nagpasalamat ang mga taga-Smokey Mountain sa Korte Suprema da­hil sa hatol nito na nagpa­patibay sa legalidad ng Smokey Mountain Development and Reclamation Project (SMDRP).

Ayon kina Nenita San­tiago at William Morallos, village leaders, ang positi­bong desisyon ng Supreme Court ay pagpapa­tunay na ang SMDRP ay isang huwarang proyekto para sa mga maralitang taga-lungsod.

“Ngayon ay maisusu­long na namin ang aming buhay nang di nanga­ngamba na mawawala sa amin ang aming mga ba­hay mula sa SMDRP na aming ipinaglaban sa loob ng may 20 taon,” sabi ni Santiago.

Una rito, kinuwestiyon ni dating Solicitor General Francisco Chavez ang legalidad ng kontrata nito.

Gayunman, sa botong 13-0 ay pinagtibay ng SC ang validity ng 1993 contract sa pagitan ng gob­yerno at R-II Builders.

Ang SMDRP ay tinus­tusan mula sa benta ng mga commercial at industrial lots sa 79 hektaryang reclamation area sa harap ng dating tambakan ng basura.

Ang reklamasyon ay isi­nagawa ng R-II Builders para magkaroon ng value ang lugar na noo’y nakalu­bog sa maduming tubig-dagat at halos kubabawan ng gabundok at umuusok na basura.

Sa kasalukuyan, ang village na tinaguriang “Paradise Heights” ay may handicraft livelihood center para sa mga kababaihan, Botika ng Bayan, basketball court at maraming hanay ng five-storey residential condominium buildings na kailan lang ay ipinamahagi sa kanila ni Pangulong Arroyo.

Plano nina Morallos at Santiago na pamunuan ang pagsugod ng mga taga-Smokey sa SC upang magpasalamat.

KORTE SUPREMA

NENITA SAN

PANGULONG ARROYO

PARADISE HEIGHTS

SHY

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with