^

Bansa

Pinugutang 10 Marines naiganti na – AFP

-

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kahit papaano’y naiganti na nila ang 10 Marines na pinugutan ng mga bandidong Abu Say­ yaf noong Hulyo 10, sa pagka­kapatay ng mga panguna­hing lider ng grupo sa engkuwentro nitong naka­raang Sabado sa Basilan.

Sinabi ng AFP na ka­sama sa 42 napatay na Sayyaf sina Kumander Furugi Indama at kapatid nitong si Umair, alyas Abu Jihad. Si Umair ang pina­niniwalaang pinuno ng grupo ng ASG na pumu­got sa ulo ng 10 Marines.

Itinuturing umano nilang tagumpay sa panig ng pamahalaan ang eng­kuwentro nitong naka­raang Sabado dahil ilang lider ng ASG ang pinani­niwalaang napatay nila.

Kahapon ay muling pinaulanan ng bomba ng AFP ang tatlong posisyon ng Abu Sayyaf sa Basilan. 

Sa ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), inumpisahang paulanan ng 105-mm howitzers dakong alas-6:30 ng umaga ang mga hangga­nan ng bayan ng Tipo-Tipo, Sumisip at Un­ga­kaya Pukan sa Ba­silan.

Bahagya namang hu­mupa ang harapang sa­gupaan ng mga sundalo at mga bandido ngunit patuloy pa rin na nag­sasagawa ng “reconnaissance operations” ang AFP sa mga kuta ng bandido.

Sinabi ni AFP Spokesman Lt. Col. Bartolome Bacarro na patuloy pa ring hinahabol ng kanilang puwersa ang mga ban­dido. 

Sapat naman anya ang kanilang puwersa para lipulin ang ASG at hindi na kailangan pang magdag­dag.

Sa kabila ng pagka­sawi ng 15 pa nilang ta­uhan, nanatili pa rin uma­nong mataas ang morale ng kanilang mga sundalo at desidido na lipulin na ang mga terorista. 

Ipinagbawal naman ng AFP ang muling paglipad ng mga MG 520 attack helicopter habang iniim­bestigahan nila ang da­hilan ng pagbagsak ng isa nito sa Basilan, kama­kalawa kung saan nasawi ang piloto nito.

Sinabi ni Bacarro na nagsasagawa muna sila ng imbestigasyon sa dahilan ng pagbagsak nito mata­pos na kum­pirmahin na hindi tina­maan ng bala ng mga bandido ang helicopter kaya bumagsak. (Danilo Garcia)

ABU JIHAD

ABU SAY

ABU SAYYAF

BASILAN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with