^

Bansa

17 OFWs ligtas na sa bitay

-

Nakaligtas sa parusang bitay ang 17 Pinoy na kabi­ lang sa 49 nasa death row sa iba’t ibang bansa mata­pos mapawalang-sala at ibaba ang sentensiya sa kinakaharap na mga kaso.

Sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), lima sa nakakulong na OFWs ay pinalaya na kabilang ang 35-anyos na si Sarah Dematera nasa Riyadh, Saudi Arabia ma­tapos tanggapin ng pa­milya ng bikti­mang napatay nito ang P25-M “blood money.”

Si Dematera ay domestic helper sa Saudi Arabia at nasentensyahan ng bitay sa pagpatay sa babae nitong employer may 15 taon na ang nakalilipas

Ayon kay DFA Under­secretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos Jr, pinakahuling nasagip sa bitay si Jun Jailani sa Kuala Lumpur, Malaysia na pina­laya noong nakalipas na buwan makaraan ang 18 taong pagkakakulong at pagtanggap ng 10 hagupit ng latigo.

Ang mga pinalaya na­mang OFWs na nakabalik na sa Pilipinas ay sina Damaso Atienza mula sa Tehran, Iran noong Pebrero 17, 2007; Melvin Obejera mula sa Jeddah, Saudi Arabia na nakabalik sa Pilipinas noong Agosto 1, 2006 at Reynaldo San Pedro mula naman sa Jed­dah na nakabalik sa bansa nitong Pebrero 6, 2007.

Nakalusot din sa bitay sina Guen Aguilar na nabi­langgo ng 10 taon sa Singa­pore, Victoriano Alfonso na ibinaba ang sentensya sa 8 taon at 1,000 hagupit sa Jeddah, Saudi Arabia; Ro­nilo Arandia sa Jeddah na naibaba ang sentensya sa 5 taong pagkakabilanggo; Andy Baginda sa Kuala Lumpur, Malaysia  na ang hatol na bitay ay naging ha­bambuhay na pagkakabi­langgo.

Gayundin sina Wilson Basilo sa Jeddah na mabi­bilanggo na lamang ng 8 taon at 10 hagupit ng latigo; Ma Fe Cruzado sa Kuwait na naibaba ang hatol sa 20 mula sa 30 taong pagka­kakulong; Efren Dimaum sa Jeddah, Saudi Arabia na ang death penalty ay na­ging 8 taong pagkakabi­langgo na lamang at 1,000 hagupit ng latigo; Aristocles Escalante sa Jeddah na isisilbi na lamang ang 5 taong pagkakakulong doon; Fermie Salarza sa Cairo na ang death sentence ay ibi­naba sa 2 taong pagkakabi­langgo at magbabayad na lamang ng $14,140.27 blood money; Joel Sinam­ban sa Jeddah na mabibi­langgo na lamang ng 8 taon at 1,000 hagupit at Zenaida Taulbee sa Washington, DC na ang death penalty ay naibaba sa 25 taong pag­kakulong at Rolando Villa­min sa Doha, Qatar na 10 taon na lamang makuku­long. (Joy Cantos )

 

ANDY BAGINDA

ARISTOCLES ESCALANTE

DAMASO ATIENZA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JEDDAH

KUALA LUMPUR

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with