^

Bansa

Chopper ng Air Force bumagsak sa dagat: Piloto todas

-

Patay ang isang piloto ng Philippine Air Force (PAF) habang nasugatan ang co-pilot nito matapos bumagsak ang sinasakyang MG520 attack helicopter sa karagatan ng Zamboanga City habang pabalik na sa base nito mula sa reinforcement sa tropa ng Marines na nakikipag­bakbakan sa Basilan kahapon ng hapon.

Kinilala ang piloto na si Lt. Udal Undo. Isinugod na­man sa pagamutan ang co-pilot na si Lt. Hermilino Calibiran.

Sa phone interview, nilinaw ni PAF Chief Lt. Gen. Horacio Tolentino na hindi pinabagsak ng mga bandidong Abu Sayyaf ang nasabing helicopter gaya ng unang napaulat. Ayon kay Tolentino, nagkaroon ng problema sa ‘vibration sa auto rotation’ ang makina ng helicopter ha­bang pabalik na ito sa Zamboanga kung saan hindi na ito umabot sa lupa at tuluy-tuloy sa dagat. 

Katatapos lamang magpaulan ng bala ng rocket at machine gun ang nasabing MG520 attack helicopter laban sa mga bandido bilang suporta sa ground troops ng Philippine Marines at pabalik na sa Andrew Edwin Air Base sa Zamboanga City ng maganap ang insidente. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANDREW EDWIN AIR BASE

CHIEF LT

HERMILINO CALIBIRAN

HORACIO TOLENTINO

JOY CANTOS

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE MARINES

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with