^

Bansa

Warrant of arrest vs 130 pugot-rebels ibinalik sa korte

-

Ibinalik na kahapon ng Basilan Provincial Police Office­ sa korte ang kopya ng ipinalabas na warrant of arrest­ laban sa may 130 pugot-rebels matapos na mapaso ang 10 araw na palugit sa paghahain nito.

Ayon kay P/Sr. Supt. Salik Macapantar, Basilan Police­ Provincial Office Director, wala silang magagawa sa ngayon kundi maghintay sa AFP  partikular sa Philippine­ Marines na maghain ng petisyon sa sala ni Basilan Judge Leo Principe para sa muling pag-iisyu ng warrant of arrest laban sa miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayyaf na suspek sa pagkakapatay sa 14 sundalo ng Marines kabilang ang 10 pinugutan ng ulo  noong Hulyo 10 sa Basilan.

Sa kasalukuyan, wala pa ni isa sa 130 Muslim pugot rebels na  nasa  warrant of arrest ang nadadakip ng mga awtoridad habang isa na ang nagkusang sumuko  ngunit mahigpit namang itinanggi ang pagkakadawit niya sa insidente. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BASILAN JUDGE LEO PRINCIPE

BASILAN POLICE

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PROVINCIAL OFFICE DIRECTOR

SALIK MACAPANTAR

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with