Deputy Speaker para sa 3rd sex
Malamang humingi na rin ng kinatawan sa Kamara ang mga kasapi ng “third sex” dahil sa pagkakahirang ni Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa bilang Deputy Speaker for Women.
Sa panukala ni Quezon City Rep. Annie Rosa Susano, unfair na magkaroon ng kinatawan ang kababaihan habang walang kumakatawan sa mga bakla at tomboy.
Ayon kay Susano, sapat na ang apat na deputy speakers at dapat ay pinagbotohan muna ang pagkakaroon ng deputy speaker for women bago naghalalan.
Bunsod sa isyu ng “Deputy Speaker for the Third Sex,” iminungkahi ni Zambales Rep. Antonio Diaz na katawanin ni Susano ang mga gays at lesbians.
“I move that the House rules be amended to include a perfect gender balance,” wika ni Diaz.
Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga kon gresista kung paano reresolbahin ang problema sakaling mag-lobby nga ang mga homosexuals at lesbians sa Kongreso para sa deputy speaker.
Tanong ng ilang kongresista, willing ba naman ang mga kasamahan nilang mambabatas na magladlad para isulong ang panukalang “Deputy Speaker for the Third Sex”?
Ang House leadership ay binubuo nina Speaker Jose de Venecia at limang deputies na sina Reps. Eric Singson (Ilocos Sur) at Arnulfo Fuentebella (Camarines Sur) na kumakatawan sa
- Latest
- Trending