Hindi na magpapadala ng mga misyonaryo sa mga delikadong lugar partikular sa Mindanao.
Ito naman ang ipinahayag ni Jolo Apostolic vicar Angelito Lampon upang maiwasan na umano ang nangyaring pag dukot sa Italian Priest na si Giancarlo Bossi noong Hunyo.
Ayon kay Lampon, ito na rin ang kanilang magiging polisiya na dapat lamang italaga sa ligtas na lugar ang mga misiyonaryo upang hindi na sapitin pa ng mga ito ang sinapit ng mga missionary na naging kidnap victim.
Aniya, pinag-aaralan na nila na sa isang retreat house na lamang i-assign ang mga missionary upang nakakatiyak sila sa kanilang kalig tasan mula sa mga rebeldeng grupo tulad ng Abu Sayyaf.
Binigyan-diin ni Lampon na dapat na bigyan ng pansin ng pamahalaan ang isyu upang hindi maapektuhan ang pagtungo ng mga foreign missionary sa bansa at hindi maapektuhan ang ekonomiya ng bansa.
Kailangan aniyang hindi katakutan ng mga dayuhan ang kanilang pagtungo sa Pilipinas. (Doris Franche)