Binigyan ng full military honors ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 25 sundalo ng Philippine Army na nasawi sa pakikipagbakbakan sa grupo ng Abu Sayyaf sa Sulu.
Kabilang sa mga nasawi ang 22-anyos na si 2nd Lt. Carmelo Anthony Camilon na kalalabas pa lamang sa Philippine Military Academy batch 2007 at mag-iisang buwan pa lamang nakadestino sa Mindanao.
Kahapon ay dumating sa Basilan sina AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon at Dept. of National Defense Secretary Gilbert Teodoro para personal na dalawin at palakasin ang morale ng mga sundalo at i-assess ang sitwasyon sa Basilan at Sulu.
Layon din nila na marebisa ang standard-ope-rating procedure (SOP) sa field upang mabawasan ang bilang ng namamatay na sundalo. (Danilo Garcia)