Pinay clerk sa Brunei umaming nangupit

Tatlong buwang pagkakakulong ang kina­kaharap ngayon ng isang Pilipinang clerk na nagtatrabaho sa Brunei Darussalam matapos na umaming nang-umit siya ng B$175 (P5,286) sa kaha ng kanyang pinagtatra­bahuan.

Sa ulat kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA), inamin ni Rica Rachilee Pascua Rondina, 31, cashier sa Syarikat Komala Tyre Motor Sdn Bhd, na ibinulsa niya ang nasabing halaga mula sa cash register noong Agosto 3.

Dalawang buwan pa lamang nagtatrabaho si Rondina  sa Brunei nang mahuli siya ng kanyang employer sa pang-uumit. (Joy Cantos)

Show comments