Life sa ex-Quezon mayor
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban kay dating Panukulan, Quezon Mayor Ronnie Mitra at kanyang driver na nahulihan ng 500 kilo ng shabu noong 2001.
Sa desisyon ni Judge Ma. Theresa Dela Torre-Yadao ng QCRTC Branch 80, pinagbabayad din si Mitra at driver na si Javier Morilla ng multang tig-P10 milyon.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na mahatulan ang isang local official ng mabigat na krimen.
Pinawalang-sala naman ang dalawa pa na sina Willie Yao at security aide ni Mitra na si Ruel Dequilla dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
Matatandaan na nadakip sa isang checkpoint ng PNP at NBI ang mga akusado sa kahabaan ng national hiway sa Real, Quezon noong Okt. 14, 2001 habang dala ang mahigit 500 kilo ng shabu sakay ng Starex van. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending