Sinuportahan ni Cebu City Rep. Antonio Cuenco ang plano ng liderato ng Kamara de Representantes na magsagawa ng ‘shame campaign’ laban sa mga tamad na kongresista.
Sa isang pahayag, naniniwala si Cuenco na disip lina sa hanay ng mga mambabatas ang kampanyang ilathala sa mga pahayagan ang mga pangalan ng mga absenerong kongresista.
“Bukod sa disiplinang makikintal dito, makakabuti rin umano sa kabuuang trabaho ng Mababang Kapulungan ang idudulot ng kampanya,” ayon pa kay Cuenco.
Aniya, bagama’t masama para sa ilan ang ilulunsad na kampanya ng liderato ng Kamara, kailangan naman gawin ito para sa ikabubuti ng institusyong kanilang kinaaaniban.
Sinabi pa ng kongresista na ang ipatutupad na ‘name and shame plan’ ay isang mabisang reseta para magamot ang masa mang imahe ng Kamara bilang batasan ng mga absenerong kongresista.
Matatandaan na inihayag kamakailan ni Speaker De Venecia at Majority Leader Arthur Defensor na plano nilang bumili ng espasyo sa mga pahayagan upang ilathala ang pangalan ng mga absenerong kongresista. (Butch Quejada)