Muling namahagi ng ‘pasaporte sa langit’ si dating Manila Rep. Mark ‘MJ’ Jimenez sa may 3,100 musmos sa lungsod ng Maynila.
Mahigit 25,000 paslit at kabataan na ang sumailalim sa ‘binyagan sa barangay’ na handog ni Jimenez sa ilalim ng Hulog ng Langit Foundation.
Nitong Sabado ay nagkaroon ng serye ng binyagan sa Immaculate Conception Parish Church sa Gagalangin at sa St.Joseph Parish Church sa Tayuman sa Tondo kung saan nasa kabuuang 3,100 ang ngayo’y masasabing nailapit sa Diyos dahil sa pagtanggap sa sakramento ng binyag.