Ibibigay ni Senate President Manuel Villar Jr. ang pamumuno sa kontrobersyal na Senate blue ribbon committee na naging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng mga miyembro ng oposisyon kay Sen. Alan Peter Cayetano.
Ito ang isiniwalat ng mapagkakatiwalaang impormante. Inaasahang ihahayag ni Villar ang pagtatalaga kay Cayetano bilang tagapangulo ng komite sa linggong ito. (Malou Escudero)