Isang Pilipino na walong taon nang patago-tago sa Saipan at gumagamit ng expired visa ang inaresto ng mga Immigration agents noong nakaraang linggo sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng korte laban sa kanya noong Hulyo 3, 2001.
Kinilala sa ulat kahapon ng Saipan Tribune ang Pinoy na si Bernardino S. Barbuco.
Sinabi sa ulat na dumating si Barbuco sa Commonwealth of the Northern Mariana Island bilang resident worker doon pero napaso ang kanyang work entry permit noon pang Pebrero 13, 1992.
Ayon sa Immigration, nagparehistro si Barbuco sa Limited Immunity Program noong Mayo 27, 1999 pero nabigo siyang makakuha ng temporary work authorization. Dati siyang nagtrabaho sa M.V. Enterprise bago lumipat sa B&J Construction.