Ingat sa de-lata
Nagpalabas kahapon ang Department of Health ng health advisory sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga de-latang pagkain at inumin o yung mga bottled water dahil may sangkap umanong lead ang nasabing mga lalagyan.
Ang babala ay matapos ipag-utos ng Fisher Price company sa Amerika ang pagbawi mula sa merkado ng mahigit isang milyong laruan mula sa
Bunsod nito, ipinapayo ng DOH ang palagiang paghuhugas ng kamay at mukha partikular bago kumain upang matanggal ang kumapit na lead sa balat.
Mahalaga rin ang masustanyang pagkain para sa mga bata dahil ang mga bitamina at mineral tulad ng Calcium at Iron ay nakapagpapababa sa lasong dala ng lead sa dugo.
Bago umuwi ng bahay, kailangan ding maligo at magpalit ng damit ang mga miyembro ng pamilya pagkatapos malantad sa lead habang sila ay nagta-trabaho at paglalagay sa plastic ng hinubad nilang damit.
Kailangan din ang sapat na ventilation at wastong paglilinis sa katawan pagkatapos humawak ng mga produktong may sangkap ng lead tulad ng kinumpuning mga sirang sasakyan.
Gumamit ng doormat upang mabawasan ang lupang papasok sa bahay na pinaniniwalaang nasangkapan din ng mapanganib na kemikal.
Maging ang mga pinturadong laruan ay dapat iwasang bilhin ng mga magulang at sa halip ay piliin ang may mga marking PS.
Noong Huwebes, ipina-pullout sa dalawang shopping centers sa Metro Manila ang mga laruang gawa ng Mattel Inc.’s Fisher-Price brand, kabilang ang Dora the Explorer at Sesame Street characters, dahil na rin sa taglay nitong lead.
Ayon sa Mattel, ang may 967,000 preschool ang mahilig sa mga plastic toys, na kinabibila ngan ng Elmo, Big Bird at Dora.
- Latest
- Trending