Pagtutol ng 2 obispo sa mag-tiyong Arroyo hindi sineryoso ng mga kongresista
Ayon kina APEC party-list Reps. Ernesto Pablo at Edgar Valdez, bagama’t kinikilala nila ang papel ng Kaparian sa pagiging pastol ng mga kapanalig, dapat naman kilalanin din ng mga Obispo ang po sisyon ng mayorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon pa kay Pablo, desisyon ng mayorya ang namayani sa pagkakaluklok ng mga kamag-anak ni Pangulong Arroyo bilang chairman ng committee on energy at committee on environment and natural resources.
Naniniwala rin si Pablo na walang masama kung pamunuan nina Mikey at Iggy ang mga komite sa Kongreso at tiwala ito na magagampanan ng magtiyuhin ang kanilang trabaho.
Nangako naman si Valdes na sila ang mangungunang magsasalita sa plenaryo kung sakaling hindi pumasa sa kanilang panlasa ang pamumuno sa komite ng magtiyuhing kongresista.
Hiniling din ng mambabatas sa mga kritikal na kasapi ng Simbahang Katoliko na iwanan na pamumulitika at asikasuhin na lamang ang pagpapastol sa kanilang mga nasasakupan. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending