^

Bansa

Suplay ng tubig, kapos pa rin kahit may ulan

-

Tinaya ng pamunuan ng Water Resources Development Division ng Local Water Utility Administration (LWUA) na kaka­ pusin pa rin ng suplay ng tubig ang Metro Manila kahit pa may pag-uulan sa natu­rang lugar.

Ayon kay Engr. Ver Bom­bita, hepe ng WRDD ng LWUA, ito ay dahil sa lumalaki rin ang demand sa Metro Manila o panga­ngailangan sa tubig bun­sod sa patuloy na paglaki ng popu­lasyon ng kalak­hang Maynila.

Sa katunayan anya, tumataas ang bilang ng mga taong nanganga­ilangan ng suplay ng tubig subalit wala na­mang iba pang source na mapapag­kunan ng dagdag na su­play ng tubig

Kaugnay nito, nana­wagan si Bombita sa pa­mahalaan na bigyang pan­sin nito ang pag-recycle ng tubig para ma­katipid.

Gayundin, dapat ding pagtuunan ng pamaha­laan ang kuwalipikasyon sa tubig na gagamitin sa isang bahay tulad ng tubig na inumin, tubig para panlinis ng bahay, gamit sa CR, panlaba at panligo.

Sa ganitong paraan anya, higit na makaka­tipid ang pamahalaan sa su­play ng tubig kung sa tamang paraan ito ma­gagamit.

Samantala, pinawi na­man ng Lwua ang sinasa­bing kakapusan ng tubig sa Luzon.

Ayon kay Bombita, ground water o tubig sa balon ang pangunahing pinagkukunan ng tubig na pangsuplay sa mga resi­dente sa Luzon ng mga local water district kayat walang dahilan para ma­ngamba ang mga ito.

Ang surfare water la­mang naman anya tulad ng dam ang direk­tang apektado ng dry spell at hindi ang ground water na pinagkukunan ng suplay ng tubig sa labas ng Metro Manila. (Angie dela Cruz)

AYON

BOMBITA

LOCAL WATER UTILITY ADMINISTRATION

LUZON

METRO MANILA

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with