^

Bansa

Mababang parusa sa mga nandaya ng edad sa driver’s license, giit

-

Iginiit ni Land Transportation Office (LTO) Chief  Reynaldo Ber­roya kay DOTC Secretary  Leandro Mendoza ang pagpapababa ng penalty o parusa sa mga license holder na nan­daya ng kanilang edad nang mag-aplay para rito.

Ayon kay Berroya, pinag-aaralan na ng kanyang tanggapan at ng DOTC  kung maa­aring patawan na la­mang ng kaukulang ha­laga ng penalty ang mga napag-alamang nan­daya ng edad sa halip na suspension ng isang taon sa kanilang lisen­siya.

Sa ilalim ng Traffic Code, ang mga tsuper na nadiskubreng nan­daya sa kanilang edad at nag­nanais nang iwasto ang anumang pagkaka­mali sa kanilang lisensiya ay kailangang isurender muna ang lisensiya sa LTO main office at hindi ito pahihintulutang maka­pag-aplay muli ng lisen­siya sa loob ng isang taon.

Ayon kay Berroya, ang hakbang na ito ay bilang tugon na rin sa panawagan ng mga apektadong driver na anila ay nagawa lamang ang pagkakamali dahil sa kagustuhang kumita para sa kanilang pamil­ ya. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BERROYA

CRUZ

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEANDRO MENDOZA

REYNALDO BER

SHY

TRAFFIC CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with