GMA dedma sa mababang rating
Ayaw pansinin ng Malacañang ang sinasabing mababang rating ni Pangulong Arroyo sa pinakahuling survey ng Ibon Facts and Figures dahil hindi raw popularity contest ang pagiging pinuno ng bansa.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, mas itinutuon na lamang ng Pangulo ang kanyang oras upang tuparin ang mga pangakong programa at proyekto para sa kagalingan ng mamamayan kaysa bigyang importansiya ang sinasabing survey.
Ayon kay Sec. Ermita, hindi na popularity contest ang pagiging pangulo ng bansa kaya ayaw nang patulan pa ni PGMA ang bagay na ito dahil mas kailangan ng taumbayan na maihatid niya ang kinakailangang serbisyo ng mamamayan.
Sa pinakahuling survey ng Ibon na mahigit 70% sa respondents ang ayaw na kay PGMA bukod sa binigyan din ito ng mababang satisfactory net rating na negative 61.
Magugunita na sinabi ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address na mas nanaisin pa niyang maging tama siya sa kanyang ginagawa kaysa maging popular sa paningin ng ilan. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending