Dumaranas na ng paghihikahos ang karamihan sa mga pamilya ng mahigit 7,000 OFWs na nagboluntaryong lisanin ang bansang Lebanon noong kasagsagan ng bombing incidents sa pagitan ng Isareli forces at Hezbollah noong Hulyo 2006.
Ito ay dahil hindi umano tinupad ng administrasyong Arroyo ang pangako nitong bigyan sila ng trabaho habang nasa bansa, dahilan para hilingin nila sa gobyerno na tanggalin na ang ban at payagan na silang makabalik sa Lebanon upang makapagtrabaho alang-alang sa kanilang pamilya na nagugutom na.
Anila, ang patuloy na ban sa Lebanon ay ginagamit na umano ng ilang tiwaling indibidwal kasabwat umano ng ilang tiwaling kawani ng gobyerno upang mapagkakitaan sa iligal na paraan gaya ng “human smuggling.
Iginiit naman ng DFA na hindi pa nila puwedeng tanggalin ang ban sa deployment sa Lebanon. (Joy Cantos)