^

Bansa

OFWs galing Lebanon naghihikahos na

-

Dumaranas na ng paghihikahos ang karamihan sa mga pamilya ng mahigit 7,000 OFWs na nagbolun­taryong lisanin ang bansang Lebanon noong kasag­sagan ng bombing incidents sa pagitan ng Isareli forces at Hezbollah noong Hulyo 2006.

Ito ay dahil hindi umano tinupad ng administrasyong Arroyo ang pangako nitong bigyan sila ng trabaho habang nasa bansa, dahilan para hilingin nila sa gob­yerno na tanggalin na ang ban at payagan na silang maka­balik sa Lebanon upang makapagtrabaho alang-alang sa kanilang pamilya na nagugutom na. 

Anila, ang patuloy na ban sa Lebanon ay ginagamit na umano ng ilang tiwaling indibidwal kasabwat umano ng ilang tiwaling kawani ng gobyerno upang mapag­ka­kitaan sa iligal na paraan gaya ng “human smug­gling.

Iginiit naman ng DFA na hindi pa nila puwedeng tang­galin ang ban sa deployment sa Lebanon. (Joy Cantos)

ANILA

DUMARANAS

HEZBOLLAH

HULYO

IGINIIT

ISARELI

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with