Nahaharap ngayon sa dalawang taong pagkakakulong ang isang Pinay domestic helper sa Singapore matapos mabali ang kamay ng inaalagaan niyang 1-taong gulang na bata.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs, kinasuhan ng kanyang mga amo ang Pinay na si Karen Jimenez, 27 anyos.
Si Jimenez umano ang dahilan ng pagkabali ng kanang kamay ng kanilang anak ng pabigla nitong damputin ang paslit mula sa kanyang baby seat carrier. Inakusahan din si Jimenez ng madalas na pangungurot sa kanilang anak.
Dahil sa pagsasampa ng kaso sa korte, kinumpiska ng mga awtoridad ang pasaporte ni Jimenez habang inihahanda ang kanyang pre-trial conference sa darating na Agosto 7.
Sakaling mapatunayang guilty, 2-taong kulong ang kakaharapin ni Jimenez at pagbabayad ng 1,000 Singapore dollars. (Joy Cantos)