^

Bansa

Misa sa malls ok sa CBCP

-

Pinapayagan na ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsasagawa ng misa sa mga shopping malls subalit kailangan na maayos at  organisado upang maramdaman ang pagiging sagrado ng misa.

Ayon kay Archbishop Gaudencio Rosales, nag­pasya na silang magsa­gawa ng  misa sa mga shopping malls dahil mas maraming tao ang nagti­tipon  dito. Ito na rin ang kanilang pagkaka­taon na makadalo ng misa tuwing Linggo.

Aniya, kailangan ding isagawa ito sa maayos na lugar o chapel ng shopping malls at hindi basta-basta sa mga lugar na makaka-agaw ng atensiyon ng mamimili.

Dapat ding humingi ng permit ang mga mall mula sa parish priest upang maiwasan ang anumang mga usapin at gulo sa lugar.

Nilinaw din ni Arch. Rosales na ang holy mass sa telebisyon ay inilalaan lamang sa mga may sakit at may kapansanan kaya hinihikayat pa rin ng Simbahang Katoliko ang publiko na magsimba at dumalo sa misa sa loob mismo ng simbahan.

Nilinaw din ni Rosales na hindi maaaring i-record ang misa sa telebisyon dahil ang bawat araw ay may kani-kaniyang liturgy. (Doris Franche)

ANIYA

ARCHBISHOP GAUDENCIO ROSALES

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAPAT

DORIS FRANCHE

NILINAW

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with