Pinugutang Marines, 3 ang biyuda
Kamatayan ni Marine Corporal Russel Panaga ang nagbunsod para tuluyan nang magkasundo ang tatlong babae na nag-aagawan sa kanyang pag-ibig.
Si Panaga ay isa sa 14 Marines na napatay sa Basilan noong Hulyo 10. Kahapon ay nakipag-lunch ang biyuda ni Panaga sa no.2 at no. 3 ng kanyang yumaong mister na sina Maridel at Teresa sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo kung saan pinagkalooban ng scholarship ang mga anak ng mga napatay at nasugatang sundalo.
Nabatid na si Marilou ay pitong buwan ng kasal kay Panaga kung saan ay nalaman lamang niya ang relasyon ng mister niya kina Maridel at Teresa matapos silang ikasal. Wala silang naging anak.
Samantala si Panaga ay may dalawang anak na babae kay Maridel, edad 4 at 2, habang kay Teresa ay isang 4-taong-gulang na batang babae.
Bagaman nauna sa kaniyang buhay sina Maridel at Teresa ay sinabi ng mga itong nalaman lamang nilang may pinakasalang ibang babae si Panaga sa katauhan ni Marilou sa mismong burol nito.
Kaugnay nito, sinabi ni AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Pedrito Cadu ngog, Chairman ng AFP’s Educational Benefit System Office (EBSO) na sa ilalim ng kanilang patakaran ay mga legitimate na anak lamang ng isang sundalo ang maaaring pagkalooban ng scholarship pero sa kaso ni Panaga binigyan ng scholarship ang mga anak nito kina Maridel at Teresa.
Nabatid pa na si Maridel na hindi pinakasalan ni Pa naga ang may pinakamatagal na relasyon dito simula noong 1999 habang si Maridel naman ang humikayat sa nasawing sundalo na sumapi sa Philippine Marines. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending