Magdasal – PAGASA

Umapela na sa publiko ang Philippine Athmos­ pheric Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA) na manalangin upang mag­karoon ng ulan sa bansa, matapos tayahin ng ahen­siya na lalo pang titindi ang init dulot na rin ng climate change bunsod na­man ng nagaganap na pagka-ubos ng mga puno sa mga kagubatan at nasisirang kapaligiran.

Sinabi ni Rene Pas­yente, forecaster ng PAGASA, ang pagbuhos ng malakas na ulan sa Baguio City na may ka­sama pang yelo nitong Martes ng hapon ay ma­samang palatandaan umano na magtutuloy ang tagtuyot.  

Anya, ang pag-ulan ng yelo ay nagaganap la­mang tuwing summer season o mainit na pana­hon dulot ng severe thunder storm clouds na uma­bot sa temperaturang negative 20.

“Pag ganito kase na umabot sa negative 20 ang temperatura, yung ma­liliit na yelo na nasa loob ng clouds pag nag­banggaan yan ay lalaki ang size at ka­ pag lumaki di na yan ka­yang mai-angat ng hangin kayat ito ay bumabagsak na ulan na yelo,” paliwanag ni Pasyente.

Umabot anya ng one inch ang naganap na pag-ulan ng yelo sa Baguio at bumagsak ito bilang yelo mula sa mga nabuong mga nag-umpugang mga yelo na nasa alapaap.

Kakaunti na anya ang mga puno sa Baguio kaya kahit na kilala ang Baguio sa pagiging malamig na lugar, uminit na rin dito dahil sa pagkakalbo ng mga kagubatan dito.

Nanawagan din ang PAGASA sa publiko na huwag payagang mag­laho ang mga puno at halaman sa mga kaguba­tan upang mapigilan ang patuloy na pag-iinit ng panahon sa mundo parti­kular sa Pilipinas.

Nitong Hulyo 20 ay pumalo sa 35.4 degrees Celsius ang temperatura sa ilang bahagi ng Metro Manila.  

Sa forecast ng PAGASA, wala pang nakikitang bagyo nga­yong Agosto.

Show comments