Magdasal – PAGASA
Umapela na sa publiko ang Philippine Athmos pheric Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA) na manalangin upang magkaroon ng ulan sa bansa, matapos tayahin ng ahensiya na lalo pang titindi ang init dulot na rin ng climate change bunsod naman ng nagaganap na pagka-ubos ng mga puno sa mga kagubatan at nasisirang kapaligiran.
Sinabi ni Rene Pasyente, forecaster ng PAGASA, ang pagbuhos ng malakas na ulan sa
Anya, ang pag-ulan ng yelo ay nagaganap lamang tuwing summer season o mainit na panahon dulot ng severe thunder storm clouds na umabot sa temperaturang negative 20.
“Pag ganito kase na umabot sa negative 20 ang temperatura, yung maliliit na yelo na nasa loob ng clouds pag nagbanggaan yan ay lalaki ang size at ka pag lumaki di na yan kayang mai-angat ng hangin kayat ito ay bumabagsak na ulan na yelo,” paliwanag ni Pasyente.
Umabot anya ng one inch ang naganap na pag-ulan ng yelo sa Baguio at bumagsak ito bilang yelo mula sa mga nabuong mga nag-umpugang mga yelo na nasa alapaap.
Kakaunti na anya ang mga puno sa Baguio kaya kahit na kilala ang Baguio sa pagiging malamig na lugar, uminit na rin dito dahil sa pagkakalbo ng mga kagubatan dito.
Nanawagan din ang PAGASA sa publiko na huwag payagang maglaho ang mga puno at halaman sa mga kagubatan upang mapigilan ang patuloy na pag-iinit ng panahon sa mundo partikular sa Pilipinas.
Nitong Hulyo 20 ay pumalo sa 35.4 degrees Celsius ang temperatura sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Sa forecast ng PAGASA, wala pang nakikitang bagyo ngayong Agosto.
- Latest
- Trending