Nakapagtala ng back-to-back highest approval rating si Senate President Manny Villar sa mga pangunahing lider ng bansa batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia nitong Hunyo hanggang Hulyo 2007.
Sa 1,200 repondents na tinanong ng SWS, lumitaw na 66% sa kanila ang nagsabing nasisiyahan sila sa trabaho ni Villar bilang senador at lider ng Senado. Pumangalawa si Vice Pres. Noli de Castro (57%), House Speaker Jose de Venecia (37%) at 35% kay Supreme Court Chief Justice Reynato Puno.
Sa Pulse Asia survey ay nakakuha naman si Villar ng 67% approval rating, de Castro (55%) habang si Villar din ang may pinakamababang disapproval rating na 7%, Pangulong Arroyo (34%), de Castro (15%), JDV (27%) at Puno (21%).