Nabigo ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na madakip ang may 130 pugot rebels sa Basilan na responsable umano sa pagpatay sa 14 Marines dahil nakatakas na ang mga ito.
Ayon kay Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Director, Chief Supt. Joel Goltiao, dakong alas-9 ng umaga kahapon ng mapasok ng may 300 miyembro ng Basilan Police ang target na lugar upang isilbi ang warrant of arrest subali’t nabigo silang mahuli ang grupo.
“There are no respondents in the area. Wala kaming nakitang wanted person in the area as of this time,” pahayag ni Goltiao na aminadong posibleng naalarma at tuluyang nabulabog ang naturang grupo ng Muslim extremist sa ikinakasang punitive operations ng tropa ng militar.
Aniya, tanging mga matatanda na lamang doon sa lugar ang kanilang inabutant.
Kaugnay nito, ipinagpaliban naman ng PNP ang pagsisilbi ng warrant of arrest na itutuloy nila sa Huwebes matapos makiusap ang Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (CCCH) na bigyang daan muna ang imbestigasyon hanggang Miyerkules. (Joy Cantos)