^

Bansa

Erap dumepensa kay Villar

- Edwin Balasa -

Lantarang dume­pen­sa si dating Pangulong Joseph Estrada kay Senate President Manny Villar sa harap ng pag-atake ng ilang senador mula sa hanay ng opo­sisyon kaugnay sa pag­tanggap nito ng suporta mula sa mga kaalyado ng administrasyon.

Tinuligsa ng dating pangulo ang mga sena­dor na may “presidential ambition” na nasa likod ng pagwasak sa kredi­bilidad ni Villar.

Ayon kay Estrada, kinikilalang lider ng opo­sisyon, nasa panig pa rin ng oposisyon si Villar at nauunawaan nito ang mga ginawang hakbang ng senador para protekta­han ang puwesto nito bilang pinuno ng Senado.

Diin ni Estrada, siya ang nagpakahirap sa pagbuo ng oposisyon at malaki rin ang tulong na ginawa niya para maipa­nalo ang maraming senatorial candidates ng Ge­nuine Opposition nitong nakaraang halalan.

Kung mayroon man umanong mga taga-oposisyon na lilipat sa administrasyon, nanini­wala siya na panghuli na sina Sen. Jinggoy Estra­da at Villar.

Naniniwala si Estrada na ang mga atake kay Villar ay kagagawan ng mga senador na may­roon din interes na ma­ging presidente sa 2010 at nakikita nila na magiging hadlang sa kanila si Villar.

Maliban kay Lacson, kabilang sa mga presi­dentiables sina Mar Roxas at Loren legarda, na ayon kay Sen. Serge Osmena ay nagsabwatan para pagtulungan si Villar na huwag makuha ang Senate presidency.

Ibinunyag din ni Os­mena na ang grupo ni Roxas ang unang naki­pag-usap sa mga taga-administrasyon para iboto si Sen. Nene Pimentel.

Tinawag naman ni Sen. Chiz Escudero na “panggulo” sa oposisyon si Lacson matapos na ipaalala na noong 2004 presidential election ay tumakbo itong presi­ dente kahit ang napili ng oposis­yon ay si Fer­nando Poe, Jr.

CHIZ ESCUDERO

JINGGOY ESTRA

LACSON

MAR ROXAS

NENE PIMENTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with