ASEAN bubuo ng human right body

Nagkasundo kahapon ang Southeast Asian foreign  ministers sa ginanap na 40th ASEAN Ministerial Meeting sa Philippine International Convention Center sa pagtatatag ng regional human rights commission na susupil sa military-ruled na mga bansang kasapi nito. Bunga nito, isang charter ang inilatag kahapon ng 10 bansa na kasapi ng  Association of Southeast Asian Nations kung saan nakapaloob ang isang probisyon na nagma­mando sa pagbuo ng human rights body.

Naidaos ang pulong ng ASEAN nang walang aberya at walang nakita sa paligid na mga mili­tanteng grupong naunang nagbantang magsasa­gawa ng kilos-protesta. 

Sa pulong, hiniling ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa mga pi­nuno ng ASEAN na lalong paigtingin ang kooperas­yon sa usapin ng seguri­dad, ekonomiya at social justice sa pa­mamagitan ng pa­tuloy na pag-uusap. (Rose Ta­mayo-Tesoro at Rudy Andal)

Show comments