ASEAN bubuo ng human right body
Nagkasundo kahapon ang Southeast Asian foreign ministers sa ginanap na 40th ASEAN Ministerial Meeting sa Philippine International Convention Center sa pagtatatag ng regional human rights commission na susupil sa military-ruled na mga bansang kasapi nito. Bunga nito, isang charter ang inilatag kahapon ng 10 bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations kung saan nakapaloob ang isang probisyon na nagmamando sa pagbuo ng human rights body.
Naidaos ang pulong ng ASEAN nang walang aberya at walang nakita sa paligid na mga militanteng grupong naunang nagbantang magsasagawa ng kilos-protesta.
Sa pulong, hiniling ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga pinuno ng ASEAN na lalong paigtingin ang kooperasyon sa usapin ng seguridad, ekonomiya at social justice sa pamamagitan ng patuloy na pag-uusap. (Rose Tamayo-Tesoro at Rudy Andal)
- Latest
- Trending