Nominasyon sa SC binawi na ni Ong
Tinapos na ni Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong ang kontrobersiya sa Supreme Court matapos niyang bawiin ang nominasyon sa kanya ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, tinawagan mismo ni Ong si Executive Secretary Eduardo Ermita upang ipaalam ang kanyang naging hakbang. Nais umano ni Ong na magkaroon ng “free hand” si Pangulong Arroyo upang makapagtalaga ng bagong associate justice ng SC.
Idinagdag ni Bunye na ginawa ni Ong ang nasabing hakbang sa kabila nang pagtupad nito sa kautusan ng SC na ayusin ang isyu kaugnay sa kanyang birth certificate upang patunayan na isa siyang natural born citizen.
Matatandaan na itinalaga ng Pangulo si Ong bilang associate justice ng SC noong Mayo 16, pero nagkaroon ng kuwestiyon sa kanyang citizenship kaya muling binawi ng Malacanang ang kanyang appointment.
Idinagdag ni Bunye na hindi pa nakakapagdesisyon ang Malacañang kung hihilingin sa Judicial Bar Council (JBC) na muling magsumite ng mga bagong nominees. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending