^

Bansa

37 Pinoy namatay sa Qatar

-

Umaabot sa 37 Pinoy ang namatay sa Qatar kabilang ang 26 na bina­wian ng buhay sa cardiac arrest sa loob lamang ng nakalipas na anim na buwan ng taong ito, ayon sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isinumiteng report ng Embahada ng Pili­pinas sa Doha, Qatar sa buwan lamang ng Mayo ay limang Pinoy ang nasawi sa cardiac arrest habang ang lima pa ay nito namang Hunyo sa naturan ring karamda­man.

Ang sobrang init ng panahon ang sanhi umano ng tumataas na bilang ng mga Pinoy na namamatay sa cardiac arrest sa Qatar.

Samantala, umaabot naman sa 75 Pinoy, 65 rito ay babae, 5 lalaki at 5 ring sanggol na isi­nilang sa kabila ng hindi pa kasal ang kanilang mga magulang ang nakatakda nang ide­port.

Ayon pa sa Emba­hada may dalawang lalaki rin , 23 kababaihan at tatlong sanggol ang nasa Central Jail sa Doha.

Bukod dito ay may 20 namang Pinoy ang naka­piit sa iba pang mga lugar doon kabilang na sa Capital Police, Rayyan, Um Salal Industrial area at Al SDD Khalifa.

Kasalukuyan nang ina­asistihan ng Emba­hada ng Pilipinas sa nasa­bing  bansa  ang mga namimig­hating mga OFW. (Joy Cantos)

CAPITAL POLICE

CENTRAL JAIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOHA

PINOY

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with