10,000 guro, 3,000 pulis kailangan
Kukuha ng may 10,000 karagdagang guro at may 3,000 pulis ang gobyerno upang punan ang kakulangan ng teaching at police force para sa susunod na taon.
Ayon kay Budget Secretary Rolando Andaya Jr., may nakalaang P1 bilyon sa 2008 proposed budget upang kumuha ng karagdagang guro na ikakalat sa public elementary at high schools sa buong bansa dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga enrollees kada taon.
Mangangailangan din ng karagdagang 3,000 pulis ang PNP dahil na rin sa paglobo ng ating populasyon. Sa kasalukuyan ay mayroon tayong 122,893 pulis.
Sa kukuning additional police force ay 20 porsiyento dito ay dapat kababaihan upang tugunan ang crimes against women and children. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending