3 Pinoy bibitayin sa Saudi

Tatlo sa pitong Pinoy ang hinatulang mabitay matapos ma­patuna­yang guilty sa pagtsap-chop sa tat­long kapwa nila Pilipino noong na­karaang taon sa Jed­dah, Saudi Ara­bia.

Kinilala ang tatlong Pinoy na sina Eduardo Arcilla, kapatid nitong si Edison at Rolando Gon­zales, tu­bong Pam­panga.

Sangkot din sina Omar Basilio, Joel Si­nambang, Efren Dima­hon at Victor Al­fonso, pawang taga-Pam­panga.

Ang apat ay pinata­wan ng walong taong pag­kakulong bi­lang accomplice sa kri­men at makakatanggap din ang mga ito ng 1,000 hagupit ng latigo.

Akusado sila sa pag­patay kina Reno Lum­bang, Jeremias Bucod at Dante Rivero na ang mga katawan ay pinag­pira-piraso noong Abril 2006.

Sa resulta ng im­bes­­tigasyon ng Jeddah police, iligal na sugal ang pinag-ugatan ng krimen.

Gayunman maaari lamang makaligtas sa bitay ang mga death convict sa sandaling humingi ang mga ito ng tawad at magbayad ng “blood money.”

May 30 araw ang mga akusado para iapela ang kanilang kaso at inaasahang tu­tugunan ito ng Saudi appellate court sa loob ng 8-12 buwan.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Claro Cristobal, ginagawa na ng gobyerno ang lahat na paraan upang isalba sa hatol na bitay ang tatlo kabilang na rito ang pag-apela sa korte ng Jeddah.

Siniguro rin ni Cris­tobal na mabibigyan ng karampatang tulong ang mga akusado at pamilya ng mga biktima.

Kamakailan ay isang Pinay ang hinatulang mabitay sa Kuwait ma­tapos nitong laslasin ang leeg ng 6-anyos na alagang bata at sak­sakin ang dalawa pa nitong kapatid.

Show comments